Noong Agosto 1, 2024, Pinangunahan ng Campus Management Review ng Pangasinan State University Lingayen Kampus na nakatuon sa Sistema ng Pamamahala ng Organisasyong Pang-edukasyon. Ang pagsusuri sa iba’t ibang proceso at dokumento na naganap sa Audio-Visual Room, ay bahagi ng External Audit para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo 2024.
Sa pangunguna ng Ehekutibong Direktor, Dr. Renato E. Salcedo, na naglalayong suriin ang mga nakikitang problema at kahusayan sa sistema ng Pamamahala ng Organisasyong Pang-edukasyon mula sa iba’t ibang opisinang nagbibigay serbisyong publiko sa kampus. Lahat ng mga taga-pamahala ng proseso at mga mahahalagang dokumento ay inanyayahan na magbigay ng kontribusyon sa pagsusuri.
Dinaluhan ng mga Dekana ng Kolehiyo, Tyerman ng iba’t-ibang departamento, kaguruan at empleyado. Nagkaroon ng usapan, na maging ang Ehekutibong Direktor ng Kampus ay inusisa ang mga opisinang nagkaroon ng problema kaugnay sa kanilang mga proseso.
Ang mga manwal ng Campus Management Review ay gagamitin bilang puntos ng aksyon sa haharaping University Management Review.
Layunin ng PSU LC na bigyan ng patuloy na mapabuti ang sistema ng Pamamahala ng Organisasyong Pang-edukasyon. Ang aktibidad ay paalala sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok at sa patuloy na pagpapabuti sa sistema ng pamamahala.
#PSULC
#PSULCKalidadnaSerbisyongPubliko