Ang pagpapaunlad ng sustainable energy opportunities ay isang pangunahing bahagi ng estratehiya ng Pangasinan State University Lingayen Kampus. Kasabay nito, ang proper waste segregation na isa sa mga kritikal na bahagi ng sustainable development. Ang tamang paghihiwalay ng basura ay hindi lamang nag-aambag sa mas mahusay na pamamahala ng waste, kundi rin sa pagbabawas ng mga negatibong epekto sa kapaligiran. Idagdag na rin dito ang pagbabawal ng plastik sa kampus, ito ay naglalayong bawasan ang mga basura, gawing mas madali ang waste segregation, at itaguyod ang sustainable practices. Ito rin ay nagbibigay-diin sa edukasyon at kamalayan sa tamang waste management at pangangalaga sa kalikasan.
Ang pagtutok sa sustainable energy at waste segregation ay hindi lamang nakakatulong sa pag-abot ng mga layunin ng PSU Lingayen Kampus para sa isang mas luntiang kinabukasan, kundi pati na rin sa pagbuo ng isang modelong unibersidad na maaaring maging inspirasyon para sa iba pang institusyon. Ang mga hakbang na ito ay nagpapakita ng pangako ng unibersidad sa pagbuo ng isang sustainable at responsible na komunidad na handang harapin ang mga hamon ng makabagong panahon, habang pinapalakas ang kaalaman at kamalayan tungkol sa mga mahahalagang isyu sa kapaligiran. Sa ganitong paraan, ang unibersidad ay nagiging tagapanguna sa mga pagsusumikap na maghatid ng positibong pagbabago para sa kapaligiran at sa hinaharap ng mga susunod na henerasyon.
Ang programang ito ay nagbibigay diin sa isang mas ligtas at malinis na kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga inisyatiba na nakatuon sa Sustainable Development Goal #12.
✍️: Bb. Rhea Munda
#GreenPSU
#EcoPSU
#SustainableFuture