Nagaganap ngayon ang isang makabuluhang Pampublikong Talakayan sa Dr. Telesforo N. Bouquiren Convention Hall, PSU Lingayen — Gawad Parangal Para sa Natatanging Mag-aaral ng PSU. Siyam na huwarang mag-aaral galing sa siyam na kampus ng PSU ang nagpapakita ng kahusayan sa kanilang mga larangan, hindi lamang sa akademya kundi pati na rin sa kanilang mga extra-curricular na aktibidad at kontribusyon sa komunidad.

Ang siyam na nominado bilang Natatanging Mag-aaral ng PSU ay sina: Bb. Mary Ann Mendez kinatawan ng Alaminos Kampus, Bb. Michelle R. Rabilas kinatawan ng Asingan Kampus, Bb. Jean Clarence C. Marcelo kinatawan ng Bayambang Kampus, G. Jerico Navasca kinatawan ng Binmaley Kampus, Bb. Carol T. Dumas kinatawan ng Infanta Kampus, G. John Paul Z. De Guzman kinatawan ng Lingayen Kampus, G. Jericho B. Vila kinatawan ng San Carlos Kampus, Bb. Jessica Joy C. Capuli kinatawan ng Sta. Maria Kampus, at G. Christian DC. Francisco kinatawan ng Urdaneta Kampus.

Magkakaroon ng espesyal na bahagi ang forum na kung saan ay ang mga mag-aaral ay may pagkakataon na sagutin ang mga katanungan mula sa panel ng mga eksperto at tagapagsuri, na magbibigay daan para sa isang mas malalim na pag-unawa sa kanilang mga proyekto at pananaw. Ang mga mag-aaral na tampok sa Gawad Parangal ay bibigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanilang mga nagawa at ibahagi ang kanilang mga karanasan sa harap ng panel. Kasama sa mga pangunahing layunin ng forum ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na ipakita ang kanilang mga proyekto, ideya, at inisyatiba sa harap ng panel. Ang mga tanong ay nakapokus sa labing-pitong Sustainable Development Goals (SDGs).

Ang panel ng pamublikong talakayan na magsusuri sa mga sagot at pananaw ng mga nominadong mag-aaral, sila ay kilala sa kani-kanilang mga propesyon at ito ay binubuo nila: Bb. Hilda M. Austria, G. Marty Ian Gideon Flores, Dr. Juan Primitivo P. Petrola, Prof. Ace John Mark P. Liwanag, at Prof. Venus May H. Sarmiento.

Ang pagtatanong at pagsagot na bahagi ng forum ay hindi lamang magtatampok ng mga presentasyon mula sa mga nominado kundi magiging isang plataporma para sa mas aktibong pagtalakay at pagbuo ng koneksyon sa pagitan ng mga estudyante at ng kanilang komunidad.

✍️: Rhea Munda
#PSUGawadParangal2024
#ExcellenceInEducation