Noong ika-28 ng Agosto 2024, ipinagdiwang ng Pangasinan State University (PSU) Lingayen Kampus ang Buwan ng Wika sa isang makabuluhang selebrasyon na inorganisa ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMFIL). Ang taunang pagdiriwang ay naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa pagpapanatili ng kultura at identidad ng bansa.
Ilan sa mga tampok na gawain ay ang iba’t ibang patimpalak na nagbigay ng pagkakataon sa mga estudyante na ipakita ang kanilang talento at husay sa paggamit ng wika. Kabilang dito ang mga paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay, Wikrayola, Indakantahan Litratula at Pautakan na masiglang sinuportahan ng buong pamantasan Kampus ng Lingayen.
Sa pagtatapos ng programa, pinarangalan ang mga nagwagi ng iba’t ibang patimpalak at binigyang-pugay ang lahat ng lumahok para sa kanilang aktibong partisipasyon. Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa PSU Lingayen Kampus ngayong taon ay isa na namang patunay ng kahalagahan ng wika sa pagkakaisa at pag-unlad ng ating bayan.
Sulat ni: G. Jeran Manaois