Ayon sa Proclamation No. 282 dated 31 July 2017 (Amending Proclamation No. 1008 dated 21 May 1997), itinalaga ang buwan ng Agosto bilang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Month sa Pilipinas.
Ayon sa proklamasyon, binigyang-diin na kinikilala ng Pilipinas ang kahalagahan ng mas higit pang pagpapromote at pagpapalalim ng kamalayan sa ASEAN na may layuning itanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan sa pagpapalakas at pangangalaga ng rehiyonal na kapayapaan at pagpapatupad ng mga inisyatibo at mga kaganapan upang dagdagan ang kamalayan.
Malugod na sumasali ang komunidad ng PSU LC sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN ngayong Agosto. Sa mithiin nitong paglinang, layunin ng unibersidad na palalimin ang pag-unawa ng mga estudyante sa mayamang kultura sa pamamagitan ng pagpapaunawa sa mga iba’t ibang tradisyon, sining, at lutuin ng mga bansang kasapi, potensyal na ekonomiya, at ibinahaging mithiin ng rehiyon.